Thursday, April 6, 2017

"Piraso"



by: Darren Albarda





















Isang malaking CONGRATULATIONS sa bawat estudyante na nagsipag at nagpursigi sa pag-aaral, lalo na sa mga nagkamit at nag-uwi ng at ng mga parangal, SALUDO KAMI SA INYO.

Sa loob ng sampung (10) buwan at ilang mga araw ng pag-aaral, marami ang mga naging karanasan natin, sari-sari at kadalasa'y 'di matumbasan. Nandiyan rin ang mga pagsubok, malalaki at maliliit, sinubok nito ang katatagan natin bilang isang mag-aaral. Nakakilala din tayo ng mga tao na sa ati'y nagbigay aliw, saya at inspirasyon. Kasama din ang lungkot at saya.

Ang saya, dahil excited sa mga araw na ganado kang matuto, excited ka dahil gusto mong makakilala ng bagong kaibigan, at excited ka dahil nakikita mo ang iyong inspirasyon, at marami pang iba... Hindi matutumbasan ang mga masasayang karanasan ng pagiging High School.


Kaso 'eto na naman, magtatapos na ang school year, pansamantala na naman kayong makakahiwa-hiwalay ng mga taong nakasama mo sa loob ng sampung buwan. Nakakalungkot dahil mami-miss mo ang kanilang kakulitan, kadadaldalan, at kalokohan. Pero 'wag kang malungkot, nandiyan lang sila sa kabilang barangay (Hahahahaha!).


Isang malaking parte ng buhay ang pagiging High School. Marami pang bagay ang iyong mararanasan. Sulitin mo ang bawat araw, araw ng saya at aliw. Kalimutan mo ang inis, galit at poot, palitan mo ito ng kagalakan at pagmamahal.


Isang malaki ring SALAMAT sa mga guro na ibinigay ang kanilang makakaya upang tayo'y turuan at ibahagi ang kanilang kaalaman. Salamat sa lahat, lalo na sa mahabang pasensya at sa saya. Sorry po kung kami'y alam nyo na (makulit, Hahahahaha!). SALAMAT at MAHAL NAMIN KAYO.


Huwag sana natin kalimutan at kalimutang gunitain ang mga mahahalagang piraso ng ating alaala kapag tayong umangat na sa ating buhay. Pagbutihin pa natin, at sikapin natin na ang ating paa ay laging nakatungtong sa lupa.


At ang lahat ng ito ay dahil sa tulong ang ating PANGINOONG DIYOS.


MABUHAY ANG BAWAT MAGAARAL NG BATAAN SCHOOL OF FISHERIES!!!



(Albarda, Darren 2017)

No comments:

Post a Comment